Packing tape na naman.
99-102.
Paking tape na naman.
1-3.
Packing tape na naman.
Packing tape na naman.
Kung kelan humabol, lumamang, at inakala nating ito na,
unting unting nakawala, nadurog, naglaho, lumubog sa lupa.
Katulad ng nakagawian,
may magrereklamo pagkatapos ng gabing ito.
Maraming magrereklamo at patuloy tayong magrereklamo,
Ngunit sa huli, tayo pa rin ang natalo.
Tayo pa rin.
Tayo na naman ang natalo.
Natalo.
Badtrip no?
Masakit talaga. Sobra.
Dahil kung hindi ka nasasaktan, kung hindi ka naapektuhan,
hindi ka Ginebra fan.
Galit ka?
Oo, kasama mo, libu-libo din ang nagagalit at naghuhuramentado
pagkatapos ng pagkatalo ng Barangay Ginebra.
Naiiyak ka?
Ganyan talaga, Ginebra fan ka e. Siyempre apektado ka.
Manhid ka na ba?
Nakakasawa na ba?
Sumuko ka na ba?
Ginebra ka pa ba?
Maikli lang ang kasalukuyang komperensiya,
at nandiyan ang masakit na posibilidad na maaaring hindi na tayo makausad pa.
Pero nandito ako, nagpapakatanga pa rin, nagbabakasakali na kaya pa.
Ito ay para sa mga umasa, umaasa,
at patuloy na aasa sa Barangay Ginebra.
Nasaan ka pagkatapos ng kasalukuyang 1-3 na kargada
ng Barangay Ginebra?
Never say die pa rin ba?
O namatay ka na kasama ng tiwala at puso
na sana ay inaalay natin para sa kanila?
1-3 na.
Never say die pa rin ba?
Sana.
Para sa Barangay Ginebra.
Sana.
14 comments:
e yung nanlalamig kamay ni hubby habang nanood at nagpalpitate ng natalo...
sakit! pero never say die pa din..
Even though talo, part yun ng game. May nanalo, may natatalo. Wala tayong karapatang magalit dahil halata namang all-out yung effort ng mga players. We've been this before. 0-4 pa nga eh. Pero ang nangyari, nakapasok pa sa finals. There's no reason to be sad, tandaan nyo, mas mabuting ngayon natin matutunan ang mga pagkakamali at matalo, kesa naman mangyari yun kung kelan playoffs na. :) #NeverSayDie
NEVER SAY DIE pa rin po! Dyan tayo nabuhay, never say die!!! Hanggang magtagumpay!
I like your blog about ginebra i wish that they win again and i'm ginebra fan win or loss
Hindi ko na maalala kung kelan huling nanalo ang Ginebra sa Alaska. :(
Pero Never Say Die pa rin ako! :)
@Annmercofficial?
Ofcourse! Ginebra all the way! Kahit down tayo naniniwala pa din ako sa ginebra :) never say die kabarangay!
Never Say Die kahit anong mangyari!! Ginebra pa rin hanggang dulo!! I'm with the BGSM Family!! Ginebra loves playing from behind ^^ Hope everything will turn out fine! weeeeeee to God be the Glory .. OneGinebra matalo man manalo! God Bless!
Ginebra pa rin no matter what! Never Say Die!
Ginebra pa rin! No matter what!
kung 0-4 nga nakahabol tayo last conference tapos nalagay pa tayo sa twice to beat disadvantage. Tapos 1-2 deficit pa sa TNT, ano ang inabot ng Ginebra, Finals di ba? Hindi na masama iyun.
Oo maikli lang ang kasalukiyang conference at 1-3 pa ang standings pero sa kanilang laban kanina, nakita ko na lahat sila lumaban. Maganda ang naging laro nila. Sinuwerte lang ang kalaban. Patunay iyan, lumalaban na ang Ginebra. Maraming scenarios pa mangyayari. Kaya pa makahabol, kung sakali makapaglaro pa ng twice-to-beat disadvantage, atleast may chance pa rin. Don't lose hope mga kabarangay. Of course walang iwanan ito. Ginebra til I die. :D
Khit matalo o natatalo..there's just one thing other teams cann0t put away..tay0ng mga nasa baranggay!!! Tayo ang mga litid at dugo na bumubuhay direkta sa mga puso nila..(players) kaya Never Say Die dahil ang Ginebra fans hindi mauubos!!! Padami lng ng padami..padagdag lng ng padagdag..:-)
never say die...until i die!!!!!!
Post a Comment