Search This Blog

10.22.2012

Iba't-ibang Uri ng mga Taga-Suporta tuwing Natatalo ang Barangay Ginebra

slamonlineph.com
Hindi maaalis sa bawat basketball fan ang maging apektado sa bawat pagkatalo ng koponan na kanilang sinusuportahan. Sabi nga nila, kung sports fan ka, iba ka – dahil puso ang puhunan sa iba’t ibang emosyon na iyong pinakakawalan sa bawat laban.

Talo na naman ang Barangay Ginebra kagabi. Aba’y ikatlong sunod na talo na nila yun ngayong komperensiya, a? Sa taas ng hangarin naming mga tagahanga para sa pinakamamahal naming koponan, hindi namin mapigilang isipin na quota na sila sa pagkatalo. Grabe na yata ang tatlong sunod-sunod na talo.

Ngunit ganito man ang iniisip ng ilan sa amin, pare-pareho lang naman kaming nananalangin na sana manalo na ang Ginebra dahil gusto na namin ulit magtatatalon sa saya.

At dahil natalo na naman ang Barangay Ginebra, nagsilabasan na naman ang iba’t ibang uri ng mga tagasuporta. Maraming salamat sa mga kapwa ko panatiko at tinulungan nila akong buuin ang listahan ng iba’t ibang uri ng mga tagasuporta tuwing natatalo ang barangay Ginebra.

I. BOY/GIRL SISI

Sila yung mga tagasuporta na laging inaakala na ang bawat pagkatalo ay kasalanan ng alin man sa mga sumusunod: 1) mga players; 2) coaching staff; 3) referees; 4) commentators; o 5) all of the above.

Minsan pa, kapag talagang lugmok na lugmok na, sinisisi na rin nila ang kanilang mga sarili na para bang may ginawa silang mali at sila ang may kasalanan ng lahat. Kasama din dito yung mga tagasuporta na pinagbabalingan ng sisi ang mga kaawa-awang radyo at telebisyon na para bang naglaro din ang mga ito. Para sa kanila, lahat ng nakikita nila ay isang malaking jinx na sumira ng laro ng Barangay Ginebra.

HASHTAGS: #FireX #TradeY #MalasKayongLahat #AkoAngMayKasalanan

II. THE ANALYST

Sila naman yung mga tagasuporta na all-knowing. Para sa kanila, lahat ng ginagawa ng coach ay mali at sila lang ang tama sa mundo. Malamang sa alamang, may mga balak silang maging isa sa Coaching Staff ng Barangay Ginebra hanggang sa sila na ang susunod na tatanggap ng PBA Coach of the Year award.

Sila rin yung mga feeling Team Managers na kung makapuna sa mga plays at turnovers ng Barangay Ginebra ay akala mo ay sila lang ang magaling. Siguro mataas ang basketball IQ nila kaya ganon.

HASHTAGS: #YunLangNalusutanPaKayo? #DapatPinasaMo! #AnongKlasengPlayYon? #PlayBaYon?

III. THE WARFREAK

Nakakatakot ang mga tagasuportang ito. Sila yung mga tagasuportang hindi alam sa salitang “kalma.” Tuwing natatalo ang Barangay Ginebra, iwasang makahalubilo ang ganitong klase ng mga tagasuporta dahil mapagbabalingan nila ng galit ang una nilang makakabangga.

Huwag na huwag ding aasarin at kakantiin ang ganitong mga tagasuporta tuwing talo ang Barangay Ginebra dahil tiyak, madadamay ka sa init ng ulo nila. Kahit ang pinakatahimik ay nagiging Incredible Hulk kapag idiniin mo pa sa mukha nila na talo ang Ginebra.

Bigyan sila ng ilang oras upang mawala ang init ng ulo nila, dahil kung hindi, delikado ka. Pramis talaga.

HASHTAG: #!@#$%^&*()!!!

IV. MGA INSTANT

Sila yung mga tagasuporta na bigla-bigla nalang nagbabago tuwing natatalo ang Barangay Ginebra.

Marami sa kanila ay mga Instant Tanggero/a – o yung mga direcho agad sa inuman pagkatapos ng laban. Madalas silang umagahin sa mga ganitong pagkakataon.

Mayroon rin namang mga Instant na Mapamahiin – o yung mga agad-agad na magpapahula sa Quiapo kinabukasan, o sasadya sa isang Feng Shui expert at bigla biglang maglilipat ng mga gamit sa bahay.

Marami rin sa kanila ang mga biglang magi-Instant Diet. Sila yung mga magha-hunger strike buong gabi at minsan ay hangang sa umaga kinabukasan dahil sa pagkatalo ng Barangay Ginebra.

Kung maraming mga nagi-instant diet, marami ring nagiging Instant Morning Person – o yung mga diretcho sa kama at idadaan nalang sa tulog ang sama ng loob.

May ilan ring nagiging Instant Fan ng Kalaban ng huling team na tumalo sa Ginebra. Ang sigaw nila, “Resbak na ‘to!”

Mayroon ring mga nagiging Instant Relihiyoso – o yung mga direcho sa simbahan kinabukasan para magdasal, mag-novena, o mangumpisal.

Nariyan rin ang ilang mga nagiging Instant Gamer – o yung mga direcho laro ng mga computer games, at dudurugin ang mga kalaban na para bang sila yung nakalaban ng Ginebra.

HASHTAGS: #TaraInom #HindiMakakainDahilTaloNaNaman #Zzzzzzzz #MatataloDinKayo #TaraDOTA #LordPleaseNamanPo

V. GAMEPLAN: ATTACK THE NEW MEDIA

Sila yung mga tagasuporta na direcho sa Twitter at Facebook pagkatapos matalo ng Barangay Ginebra. Mauubos ang buong gabi nila sa paghahasik ng kanilang galit sa kani-kanilang mga accounts.

Malupet magwala sa Twitter at Facebook ang mga tagasuportang ito. Kung wala sila sa mga sariling account nila, e nakabukas naman sa sampung tabs ang iba’t ibang mga fan pages at groups at doon sila naghahasik ng lagim.

Kung ganito na katindi ang sitwasyon sa Facebook, mas nagkakagulo na sa Twitter. Hindi lang basta umaatake ng tweets ang ilan sa mga tagasuportang ito dahil naka mention pa sa mga players, coaches, at iba’t-ibang sports personalities ang galit nila. Patay na.

HASHTAG: Wala. Direcho lang. “@player Bakit hindi mo pinasa agad? Lagot ka.

VI. THE EMO

Sila yung mga sobrang emosyonal sa tagasuporta na daig pa ang brokenhearted tuwing natatalo ang Ginebra. Hindi makakain, hindi makatulog, hindi makausap. Nakakabagabag sila.

Sila yung papasok sa klase o sa trabaho na sira ang mood o badtrip sa susunod na limang araw o hanggang sa susunod na laban ng Ginebra. Feeling nila magugunaw na ang mundo. Tulala. Hindi makapagsalita.

Mayroon sa kanilang hindi makakain (gaya ng mga Instant na nagda-Diet) at mayroon rin namang idinadaan sa kain ang sama ng loob. Minsan, idinadaan din sa pagba-blog, at pagsusulat ng “Dear diary, syet na malagket. Talo na naman ang Ginebra. Ang sakit sakit…”

May mga umiiyak rin sa kanila tuwing natatalo ang Barangay Ginebra. As in iyak talaga.

HASHTAGS: #Ouch #AngSakit #Laslas

VII. IN DENIAL

Sila yung mga tagasuporta na hindi matanggap ang pagkatalo ng Barangay Ginebra. Kahit pang-ilang talo na yun ng Ginebra, hindi pa rin nila kaya.

Coping mechanism ng ilan sa kanila ang pagkakaroon ng selective memory. Ang sistema, pagkagising nila sa umaga, parang normal na araw lang at hindi na nila maalala na natalo ang Barangay Ginebra noong nakaraang gabi. Minsan umaabot ng isang linggo ang sakit na ito. O isang conference. O isang season. Depende.

Kasama din dito ang mga tagasuporta na NR – no response, at poker face. Sa sobrang sakit ng pagkatalo, hindi na nila alam kung paano magre-react at kung ano ang sasabihin. Kawawa naman.

HASHTAG: Wala. Parang walang nangyaring laro ng Ginebra.

VIII. DAKILANG PALUSOT

Kuwela ang mga tagasuportang ito. Sila yung mga tipo na tuwing natatalo ang Ginebra, dadaanin nalang nila sa kung anu-anong pagdadahilan. Ito ang Top 3 na palusot nila ayon sa nakaraang nationwide Ginebra fanbase survey (Echos. Walang survey na naganap):

1) Talo ang Ginebra? Walaaaa! Paramihan nalang ng hairstyle ng isang player! 
2) Talo na naman ang Ginebra?? Okaaaaay lang! Paguwapuhan nalang ng line-up! 
3) Ha??? Talo na naman ang Ginebra??? Paramihan nalang ng fans!!! Wooohooo! 

HASHTAGS: #Chos #MayMailusotLang

IX. BANDWAGON

Badtrip ang mga tagasuportang ito. Ang sarap sungalngalin. Seryoso. Sila yung mga tagasuportang nandyan lang tuwing panalo ang Ginebra tapos sabay kabig ng panlalait kapag natalo. Mga mukha niyo.

HASHTAG: #Balimbing

X. PAPAMPAM

Mga tagasuporta ng ibang koponan na malalakas ang loob na mang-away ng mga taga Barangay Ginebra. Hindi naman sila nananakit, nakiki-epal lang talaga. Badtrip.

Sila ang suki ng mga Warfreak. Sila rin yung kinukuyog ng mga nasa Twitter at Facebook. Kawawa naman. Pero ang lalakas kasi talaga mang-asar kaya sorry nalang.

HASHTAGS: #WeakNgGinebraNiyoBoo #ButiNgaTaloGinebra

XI. MANHID

Sila yung mga tagasuporta na sa tinagal-tagal sa likod ng Ginebra, nasanay na sa bawat pagkatalo nila.

Kasama rin dito yung mga sobrang apektado at sobrang nasaktan sa pagkatalo ng Barangay Ginebra kaya bumigay na sila.

Meron rin sa kanilang deadma nalang tuwing natatalo ang Ginebra lalo na kapag galing sa malaking lamang tapos natalo pa.

HASHTAGS: #SakitNaNilaYan #LagiNamangGanyanEh #KDot

XII. THE OPTIMIST 

Sila yung mga sobrang isinasabuhay ang pagiging isang mabait at kalmadong tagasuporta ng Barangay Ginebra tuwing natatalo sila.

Sila rin yung mga panabla ng lahat ng iba pang uri ng tagasuporta. Sila rin yung mga tagasuportang pilit na binubuhay ang puso at tiwala ng buong barangay dahil para sa kanila, kayang kaya naman manalo ng Ginebra.

Wala kang maririnig o mababasang kahit anong negatibo mula sa kanila. Ang tanging hangad lang nila, bumawi ang Barangay Ginebra sa susunod na laro ng bonggang bongga.

Hindi rin sila nawawalan ng pag-asa. Naniniwala sila na walang dapat sisihin at walang may gusto na matalo ang mahal nilang Barangay Ginebra.

HASHTAGS: #BounceBack #GinebraPaRin #NeverSayDie #Laban #PusoLang

*** *** *** 

Tuwing natatalo ang Barangay Ginebra, nagsisilabasan ang iba’t ibang uri ng mga tagasuporta. Ngunit ating tandaan na kahit pa nahahati tayo sa iba’t ibang kategorya depende sa ating ugali at paniniwala, lahat pa rin tayo ay naghahangad ng kampeonato para sa ating pinakamamahal na koponan.

May mga iba’t ibang uri ng tagasuporta ang Barangay Ginebra. Ikaw, sino ka sa kanila? Comment na! :)

(Ang listahan na ito ay pinagtulungang buuin ng mga tagasuporta ng Barangay Ginebra sa Twitter. Muli, maraming salamat! Kayo na talaga!) 

*** *** *** 


PS.

Para po sa mga agit na agit (for lack of better term), gusto ko lang din pong ipaliwanag na puwede din naman po ito para sa mga taga-suporta ng ibang koponan, gaya ng sinasabi ng ilan.

Kaya lang po, ang mga nandito po kasi ay nanggaling mismo sa mga Ginebra fans sa Twitter so hindi ko po ma-generalize yung results ng quick survey na naganap. In context kasi yung pag kuha ko ng data kaya sinara ko yung blog entry sa Ginebra.

This is open for expansion naman. Kung magagawan natin ng quick survey lahat ng fan bases ng PBA, at same results yung lumabas, then from there we could generalize. Why not? =)

Ayun lang po. #BroFist

28 comments:

Unknown said...

Nice one :)

Klah Fernando said...

super like! THE EMO.. haha:D isa ako dun.. lol

nhie khie tagao tumaliuan said...

pero kahit ganyan mga fans, ginebra padin naman hehe

Anonymous said...

The best ginebra magpakailanman hehe
Ganda po nice! Go mc47 ever!

16MinutesLate said...

#GinebraParin :D

keltwinks said...

The emo nung Elementary to HS naging warfreak ng HS to college ngayon nman attacking the new media, na ang posts emo at warfreak pa din

nsdneng57 said...

its true that every loss ginebra fans were very,very sad emotions so high that we wanna give those opponent a doze for their own medicines,but then a usual reaction of us coz were not here to support instantly but were from the roots way back toyota days of the big J...the true blooded ginebra fans are those who will be there thru gud and bad times more when theyre down but we assured them that come what may we will always be die hards 4ever whatever happens and thats for sure always count us if the goings get tough

Anonymous said...

kung tunay ka na ka-barangay, malamang sa 1-8 and 12 eh makaka relate ka.

Anonymous said...

As a fans ano ba ang pwede natin maitulong sa team natin? Dapat magkaroon ng solid fans ang bgsm mag set ng eb, mag organize at mag set ng plan kung paano tayo makatulong. Hindi enough yung nanood lang tayo at mag tweet!

Anonymous said...

nakarelate ako sa emo at the optimist..minsan girl sisi...pero at the end of the day..GInebra fan pa din...d ka naman real ginebra fun pag.d ka apektado sa pagkatalo ng team na to...sobrang mahal lng talaga natin cla kaya nagiging emotional tayo...pero yun talaga ang character nla kaya nga never say die..laging bumabagon:)

Alex Hernandeez said...

nungbata pa ko... ako ung type ng fans na emo.. talagang di ako makatulog at di makakain,, hahaha,, ngaun medyo analyst at manhid na ko.. sa dami dami ng napanuod kong laban ng ginebra simula nung bata pa ko, sanay na ko pag natatalo, move on agad kasi may next game pa naman,. sobrang apektado ako pag playoffs na. dun talaga ako bumabalik sa pagka emo.

nel said...

haha.! i soo like this blog :))) nice one Kaye.!

i'm the emo, religous and optimist type of fan of BGK.. haha.. emo kasi, dinidibdib ko talaga pgkatalo nla, i do even get sick pag natatalo cla.. religious kasi nkakailang prayers ako, manalo lng cla,.. haha.. and optimist kasi, kahit seconds nlng natitira, naniniwala pa rn ako nah mkukuha nla yung panalo khit feeling kong imposible :D

Anonymous said...

Emo means nakakasad pagnatatalo ang ginebra!! Pero matalo man ng maraming beses but still ginebra parin forever! Religious every game nila i always pray manalo cla and walang mainjurd!! Optimist hanggang huli bbngon parin ang ginebra! Never say die!! Bsta natatalo amg ginebra nakakasad talaga! Pero move on agad! Makita ko lang c mc47 okay na hehe astig!

jj said...

12 ako jan..:)

jj said...

12 ako jan...:)

Anonymous said...

THE OPTIMIST!

Anonymous said...

ginebra san ka?kakungan na!

Anonymous said...

LAHING IYAKIN,BARANGAY KAYABANGAN,NEVER SEE IN THE FINALS. BGSM =Barangay Ginebra Si Marabe.

Anonymous said...

ahahay sana sa laban nila kontra aces namin wala pa si marabe,,mahirap silang talunin pag anim na sa court .

Anonymous said...

the optimist!

Go BGSM! Kaya natin yan on our next game! Manalao Matalo Ginebra! Ginebra! Ginebra!... :)

Anonymous said...

we believe sa Never Say Die attitude ng BGSM.. manalo, matalo we will support our beloved team till the end...

Paul said...

Hahaha, isa ata akong dakilang palusot :))

1347 said...

the optimist!
the emo!
in denial!

ang dame qu na atng nararanasang emosyon pag natatalo ang brgy..haha

me kilala pa qu PAPAMPAM..sarap maging THE WARFREAK..haha

Jelynne said...

Ghost bumps :) Nakakatuwa, nakakatanggal ng stress sa pagkatalo nila kagabi :) anyway #GinebraParinkahitanumangyari #ForeverGinebraFan

weelee said...

Galing.. Iba ka pag fans ka ng Ginebra

yollaine said...

ako yung SUKDULAN ANG GALIT SA MGA TUMATALO SA GINEBRA ! lalo na kapag ang yayabang ! hahahaha ..

- naku. WARFREAK AKO ! :D

Aleigna Lin said...

Hi! I saw your article at the InterAKTV website and I would just like to say na ang galing mo sumulat. I am not a fan of Barangay Ginebra pero super inenjoy ko yung article mo (partly because I can relate to being the Analyst every time natatalo ang La Salle sa UAAP pero mostly because kwela ang storytelling mo). :)

mhine0823 said...

hahahaah...:D kakatuwa nmn like ko yung mga hushtag isa rin ako sa ganyan kaya love ko tlga ''ginebra''