Search This Blog

9.09.2013

Straight from a Ginebra fan: Hanggang kailan ka tatagay para sa nawawalang Barangay? By Carla Cruz

Hanggang kailan ka tatagay para sa nawawalang Barangay? 
By Carla Cruz (Follow the writer on Twitter @cruzcarlaWL.)

2-4. 2-4. 2-4. 

Sakit sa mata. Nakakapang-init ng ulo. Nakakapanting ng tenga. Wala eh. 2-4 ang standing, tatlong laro na lang ang natitira sa maikling Governor's Cup na tinatahak ngayon ng Brgy. Ginebra. Kahit ako napapatanong. Kaya pa kaya? Kahit ako napapaisip. Aabot pa ba? Aminin mo. Nakakawala ng tiwala.

Gabi ng Manila Clasico. Eto na naman. Ang sakit na naman ng resulta. Ang daming opinyon, kaliwa't kanang spekulasyon, ang ingay ng Barangay sa Twitter, Facebook man o kahit sa mga terminal. Nagpapalitan ng pahayag, nagdadamayan sa isang masaklap na bagay. Ang hindi mawawala, sisihan. Sinisisi si Coach. Sinisisi si Referee. Sinisisi si Point Guard. Sinisisi si Import. Sinisisi kahit yung venue (peace tayo Admin). 

Ikaw? Natanong mo na ba sa sarili mo kung wala kang pagkukulang bilang isang Never Say Die fan?

Hindi ko sinasabing sumang-ayon ka sa bawat pahayag na mababasa mo dito. Hindi rin naman kita inaaway dahil magkapatid tayo sa pagmamahal sa Barangay. Pero gaya ko, narinig mo rin ang pag 'BOO' ng tao sa nagiisa nating hari. Ramdam mo ang kawalan ng respeto ng mga taga-suporta ng kabilang grupo sa tinatawag nating Puso ng Ginebra. Napatanong ako. Sabi ko: "Teka. Bakit ganto?

Nasabi ko na lang na baka naman kasi malapit lang sa camera yung mga nagboboo kaya akala mo malakas. Pero nung tumatagal, sabi ko, "Hindi eh. Parang iba na to ah." Lalong dumadami ang nakikiboo. Nilalamon nila ang ating Hari. Nilalamon ang Barangay ng mga taga Planeta.

Ikaw? Nasaan ka noon? Ako kasi nasa bahay lang. Malayo sa game venue. Nasa arena ka ba? Bakit hindi kita maramdaman? Kagabi kasi, paulit ulit kong tinatanong ang t.v., "Ano ba yan? Wala bang taga-Barangay Ginebra dyan?" Naisip ko. Baka nagpalamon na din ang fans ng Ginebra. Rinig ang dagundong ng pagboo kay Mark. Pinakikiramdaman ko. Walang sumasalo ng mga mapang-asar na panunuya maliban sa isang lalaki na nakauniporme na may numerong Kwarenta'y Syete. Natiis mo ba yun? Siguro may ilan na mas gustong magfocus sa laban. Ilan na apektado pero mas piniling manahimik na lang. Siguro kasi lamang ang kalaban kaya hindi ka makasigaw ng GI-NE-BRA. Siguro kasi kinakabahan ka. Pero isisigaw mo lang ba yan tuwing tayo ang lamang? Para saan pang isinigaw mo yan kung iniiwan na natin ang kalaban? Para sakin kasi dapat isinisigaw din yan kapag nasa bingit ang Barangay. Yung tipong isang maling hakbang, laglag at matinding lagapak ang mararanasan. Isinisigaw yan upang mabuhayan ang ating mga superhero at muling lumaban. Hinahanap ko kagabi yung pangyayari gaya nung FINALS eh. Talo ang Barangay, sweep pa nga daw, pero walang ibang maririnig kundi ang walang kamatayang GI-NE-BRA. Masarap matalo ng ganon. Kagabi? Ramdam ang pagsuko pati ng 6th man. Nakulong ang sigaw na ito sa madilim na silid. Walang nakakarinig.

Kapatid, sa sinasabi kong iyan, ay hindi kita sinisisi. Nabanggit ko lang ang bagay na ito bilang isang bagay na mas mahirap tanggapin kaysa sa mismong pagkatalo. It seemed like no one stood up for MC47. Masakit yung nasabi ko no? Truth hurts, kapatid. Aminin nating may pagkukulang. Masakit. Sobrang sakit.

Ngunit kapatid, hanggang saan ang tagay na kaya mo? Sabi sa kantang pinanghahawakan ko ngayon para sa Barangay Ginebra: "WE SURVIVED THE CRASH, MADE IT THROUGH THE WRECKAGE. STANDING HERE AT LAST, SO PERFECTLY WRITTEN

Relate? Not yet? Eto pa:

"WE SURVIVED THE STORM, MADE IT THROUGH THE HURRICANE. STANDING HERE AT LAST, DRY DESPITE THE RAIN

Tama diba? Ilang beses na bang ganito ang unang kabanata ng aklat na ating muling isinusulat? Una pa lang ayaw na umikot ng bola sa ikot na ating itinatakda. Injury pa lang, bugbog na. Pero pinipilit sabayan ng koponan ang alon ng PBA. No matter what kind of storm the world brings to this team, we're still dry despite the rain.

"WHERE WE ARE? IS THIS WHERE WE'RE SUPPOSED TO BE?

Yan ang tanong ko sayo ka-Barangay. Ito ba talaga ang tamang posisyon kung nasaan ang Never Say Die? Sana napukaw kita kapatid. We've been all in this together. All we have to do is to get through all of this AGAIN together. 

Hanggang saan ka tatagay para sa Barangay? Ang sagot? Ikaw lamang ang nakakaalam. Sana TAGAY HANGGANG SA TAGUMPAY!

Asan na ba ang Barangay? 

"WE ARE WHERE NO ONE CAN TEAR US APART! THAT'S WHERE WE ARE!"

_________________________________

Email ginebrafancorner@gmail.com with your literary piece, artworks, photos, videos related with Ginebra that you want to share with your fellow Ginebra fans. My personal blog is always open for you all.

6 comments:

Anonymous said...

i like it.. and i Love BGSM.. for life.. :)

Anonymous said...

Hangat my Barangay Ginebra San Miguel s PBA ptuloy ang aking pag Tagay...NSD ang aking supporta manalo man o matalo.

Anonymous said...

Kung hanggat may bata may eat bulaga,
ako hanggat may baranggay ako ay tatagay,

Anonymous said...

Dumurogo ang puso ko sa tuwing natatalo ang GINEBRA, Ilang beses akong namamatay sa tuwing sinisigawan ng BOOO ang GINEBRA...Kaya kong tanggapin kahit kamatayan kapag talo kung lumaro ba talaga sila na may NEVER SAY DIE attitude!!!???





Unknown said...

mejo acceptable naman ang pagkatalo, ang masakit at nakakainis lang, todo boo na nga si MC47 sa SMC fans, tapos yung ginebra fans hindi man lang binoboo si james yuck tulad ng ginagawa ng SMC fans..mas naboo pa si caguioa kesa kay yuck..eh unang hawak ng bola ni james yuck walang boo habang nasa bench pa si mark.. hayy

Unknown said...

mejo acceptable naman ang pagkatalo, ang masakit at nakakainis lang, todo boo na nga si MC47 sa SMC fans, tapos yung ginebra fans hindi man lang binoboo si james yuck tulad ng ginagawa ng SMC fans..mas naboo pa si caguioa kesa kay yuck..eh unang hawak ng bola ni james yuck walang boo habang nasa bench pa si mark.. hayy