Tara Kabarangay, Usap Tayo
by Leah Reonal
Kumusta, kabs?
Wala kang magawa, no?
Iniisip mo ung bukas, no?
Ako nga dapt tulog na ko kasi night duty pa mamaya. Ewan wala akong magawa eh.
Di ako makapag-fb kasi puro mga friends kong maka-San Mig nandun.
Di ako makapagbasa ng diyaryo kasi di ko naman magugustuhan makikita ko.
Lint*k pati ba naman Yahoo news?!
Di nga rin ako makapagkape kasi San Mig coffee binili nila, sabi ko yung "yummy" ang bilhin eh.
Nga pala kabs, balita ko may batuhang nangyayari?
Binabato mo daw ng sisi si Tinyente?
Actually, alam mo nung baging salta si Gineral dito sa barangay, mixed emotions ako eh.
Syempre masaya kasi jackpot tayo. Pero parang iba eh, parang di ko siya ganun ka-feel...kasi parang di niya rin feel dito, na-feel mo ba un?
Pero unti-unti, kabs, nabago niya yung tingin ko sa kanya.
Kasabay ng pagsabi niyang, "Nakuha na ni Mark ung loob ko at nakuha ko na rin yung loob niya". Parang ano kasi eh....parang nakuha na niya yung loob ko.
Lalo na nung sinabe niya, "Na-absorb ko na yung Never Say Die spirit ng Ginebra" Lupit nu'n. Feel na feel ko nang kabarangay siya.
Tapos nung na-injure si Mark last year, tanda mo, halos siya yung bumitbit satin pa-Finals.
Tanda mo yung mga crucial wins naten vs. Meralco at TNT? Diba puro assist niya yun?
Tanda mo last Quarterfinals, nangako siya na ibabawi niya tayo kay Abueva at sa Alaska?
Kabs, tinupad niya yun.
Aakalain mo bang sa dami ng nagawa niya para sa team at sa fans eh mahigit isang taon palang pala siyang kabarangay?
Siguro naman kabs, sa dami ng saya na dinala niya sa atin, baka pwede palagpasin mo na 'to.
Ganito nalang pag kaya mo nang mag Pilita Corrales shot, mag 360-degree reverse layup at mag steal gamit yung face mo, sige maiintindihan ko yung paninisi mo.
Sino bang gustong matalo, kabs? Wala naman diba?
Pero yung lungkot at bigat na nararamdaman mo, doble niyan yung nararamdaman ni LA. Pwede ba wag na nating dagdagan?
Kasi alam mo kahit napakaraming fans ng Ginebra, kung ako ang nasa katayuan ni Captain point guard, pakiramdam ko nag-iisa ako.
Ito medyo harsh, ah. Ikaw kasi eh.
Kabs, kung sa ganito hindi mo kayang sumuporta, siguro wag nalang. Dun ka nalang sa TNT kasi championship caliber team na yun. O kaya sa ROS kasi pasok na sila sa Finals. O kaya sa Alaska kasi may bragging rights sila laban sa Ginebra eh dahil sa lechugas na sweep last year
.
Pero kung bumalik ka na sa huwisyo at maisip mong hindi mo kayang mag-cheer sa ibang team other than Ginebra, tumahimik ka sa mga paninisi mo at makihawak kamay ka samin.
#RespectForLA
#NSD
_________________________________
Email ginebrafancorner@gmail.com with your literary piece, artworks, photos, videos related with Ginebra that you want to share with your fellow Ginebra fans. My personal blog is always open for you all.
5 comments:
nice! :)
Tama!!!-_-
yes, walang sisihan after all we are all ginebra fans. they just do their best beacause no matter what the result is, still our hearts belong to this team.
D dapat sisihin c LA ang dapat sisihin dyan c coach ato pls coach ato gamitin mo naman c forester may k naman ang tao
Bet q yN te...tama laht sinulat mu, kya laban lng tau:))
Post a Comment