Pag “ASA”
Credit to PBA FUN
By Rd MacPain
Aking ilalathala ay tungkol sa pag-ASA
Nakita ko sa facebook na aking kinuhanan ng ideya
Tungkol sa mga PBA team na halos lahat ikinatuwa
Isang dahilan din bakit itong tula aking ginawa
Barangay Ginebra, asa kay Japeth
Na kung dumakdak ay napakalupet
Kaya depensa sa kanya ngayon ay napakahigpet
Pero kapag siya’y lumipad huwag kanang lalapet
Petron Blaze naman, asa kay JunMar
Matakot ka na kapag ito ay umandar
Sino mang humarang ay hindi nya kikilingan
Lalo na ngayon dumagdag pa ang kanyang kagalingan
Rain or Shine Elasto Painters, asa kay Yeng
Kilala natin ito sa pagco-coach ay napakagaleng
Kaya kahit kaninong Coach hindi mo maihahambing
Kapag minura ka naman nito ika’y mapapagising
Ito namang TNT, asa sa referee
Minsan talaga ito’y nangyayari
Kapag yan ay nangyari kalaban ay mayayari
Di pa nabanggit dito yung drums na dala nila parati
Barako Bull ito rin ay kasali, asa sa trade ang sa kanila ay masasabi
Kita naman sa players nila beterano ang pinakamarami
Halos lahat ng players ng mga team sila ang umani
Pakikipagpalitan sa ibang team kanilang minamani
Meralco ang isusunod ko base sa nababasa ko
Pag-asa naman kay David na sa score-an ikaw ay bibilib
Kapag kamay ay nagliyab, kalaba’y kakabog na ang mga dibdib
Kahit si Chris Tiu hindi kokontra, masasabi na lang niya i-bilib
SanMig Super Coffee, sa import-laden conference di mo sila maaapi
Kaya makikita mo sa report, sila’y umaasa sa kanilang import
Kaya sa All Filipino sa kanila ganito ang nangyayari
Kaya huling laban nila chismis ito’y bigay “daw” ng may-ari
Ito namang Alaska sa PangaAsar daw sila ay umaasa
Di pa diniresto eh ang tinutukoy naman dito ay si Abueva
Pang-aasar nito sa mga kalaban ay kitang-kita
May isang player pa nga na ang gusto ay halikan na lang siya
Global Port Batang Pier, makikita naman natin kung sino ang kanilang lider
Kaya usapan na dito ay dapat sarado, dahil ang kanilang asa ay kay Sol Mercado
Sa score-an siya ay markadong markado
Itanong pa kay Denise Laurel na nagpapaikot naman ng kanyang mundo
Air21, sa lahat naman ito ang naiiwan
Kaya kung kanino sila umaAsa ay hindi mailarawan
Baka sa elimination sila ang unang mamamaalam
So sa mga players wala kang masisisi kaya walang magdaramdam
Ang tulang ito ay pawang katuwaan, para mga fans kahit papaano ay may mapagkatuwaan
Kaya nga pinagkunan nito pangalan ay PBA FUN
Kaya sana sa atin walang magkagalitan
Dapat at the end of the day tayo pa rin ay magkakaibigan
_________________________________
Email ginebrafancorner@gmail.com with your literary piece, artworks, photos, videos related with Ginebra that you want to share with your fellow Ginebra fans. My personal blog is always open for you all.
No comments:
Post a Comment