Search This Blog

1.23.2014

Straight from a Ginebra fan: Dahil Natalo ang Ginebra by Jane Oliveros

Dahil Natalo ang Ginebra
by Jane Oliveros

#*!^$<%+=?!!!!
Bangungot...
Unti-unti na namang bumabalik sa aking isipan...
Ang pangyayari noong isang taon...
Noong Commissioners' Cup...
Noong na-sweep tayo...
Against Alaska... Against Abueva...
Punyeta naalala ko na naman...
Malapit na eh, ganda na ng ratsada...
Kala ko di hadlang ang Alaska...
Akala ko wala ng epekto yung Abueva...
Yung dila-dila, yung ngisi, yung ngiting aso, yung nang-aasar sa fans, yung kinaiinisan ng fans...
Kala ko wala na...
Eh kagabi bumalik na naman eh leche...
Bakit sa Ginebra pa?
Or should I say...
Bakit ngayon pa Ginebra?
Bakit ngayon pa kayo nagkaganito?
Okay lang sana may ganyang Abueva eh...
O kaya okay lang may ganyang malakas na Alaska...
Kasi akala ko kaya nyo na eh...
Kasi akala ko malakas na kayo...
Kasi bang ganda ng nilalaro nyo nung elims...
Mali ata ako...
Sinampal ako ng katotohanan kagabi...
Di pala kayo malakas, joke lang pala yon...
Gusto nyo ba talaga ng ganito?
Yung nahihirapan pa kayo?
Yung namomroblema yung mga taga-suporta nyo?
Ano pang silbi ng paghihirap nyo nung elimination round kung magpapatalo rin pala kayo?
Paasa naman kayo eh...
Yung mga fans ginagawa na lahat...
Ang tagal na o, 2008 pa kayo nakahimas ng malaking trophy...
Kailan nyo ba susuklian yung mga fans nyo?
Minsan mukha na silang tanga, pero kiber lang...
Ako kinumpleto ko yung simbang gabi para sa inyo...
Baka si koya nag-ipon pa para makanuod ng laban nyo...
Yung estudyante hindi nakakapag-concentrate dahil sa inyo, isasantabi muna ang pag-aaral alang-alang sa inyo...
Kayo? Hanggang saan ba kaya nyong gawin?
Gusto nyo 'Do-or-Die' para mapatunayang 'Never Say Die' team kayo?
Wag na, alam naman na namin yan...
Gusto lang namin maiuwi nyo na yang lintek na tropeyo na yan...
Gusto lang namin sa inyo na babagsak yung mga lobo...
Gusto nyo rin ba yun?
Bakit ba parang hirap na hirap kayo?
Bakit ba parang tamad na tamad kayo?
Nasaan na yung hashtag reclaim the throne nyo?
Inip na inip na ko...
I'm sure inip na inip na rin sila...
Wag nyo na kaming pahirapan...
Wag nyo na kaming paasahin...
Kung gusto nyong manalo patunayan nyo...
Hindi yung puro kayo satsat sa twitter...
Bakit ba ako nagkakaganito?
Bakit ba nagagalit yung ibang fans?
Kasi kagaya nga ng sabi ko kay Miss Stephanie: "Kaya ka nagagalit is because you just want what's best for them'.
Mahal namin kayo...
Ayaw naming mahirapan pa kayo...
Ayaw naming magbakasyon kayo ng maaga...
Habang kaming mga fans ay patuloy na nagdadalamhati...
Isang chance na lang...
Sa Sabado malalaman...
Kung hanggang saan ang mararating nyo...
Pakigalingan naman oh...
Ipanalo nyo naman oh...

Please...

_________________________________

Email ginebrafancorner@gmail.com with your literary piece, artworks, photos, videos related with Ginebra that you want to share with your fellow Ginebra fans. My personal blog is always open for you all.

No comments: