Sinulat ko ang mga titik na ito bandang Nobyembre ngayong taon. Hindi ko pa sana ito ilalagay dito kasi parang wala pa naman sa hulog. Pero naisip ko, siguro sa ganitong pagkakataon na natanggal (na naman) ang Barangay Ginebra kagabi, kailangan ko ng isang bagay na makakapag-papaalala sa akin kung bakit hindi ko maiwan-iwanan ang koponan na ito kahit ilang beses na akong nasasaktan at umiiyak. Bigla ko naalala ang mga titik na ito. 'Di mag-aalinlangan kahit kailan, tanging ikaw lang magpakailanman.
Tama. Magpakailanman.
This lyrics, I wrote for my fellow Barangay Ginebra fans.
To remind us that what we have is more than just the
love of the game and more than just the passion;
it's about keeping the faith, and knowing that you
are never alone. And even if all else fails, you are
and you will always be a part of a family.
Sa Barangay Ginebra
Lyrics by: Kaye Cabal
Kami ay sama-samang hinubog
ng ‘yong tapang at tibay ng loob
‘Di magsasawang manalig sayo
dahil kami ay pinagbuklod mo
Ilang taon man ang lumipas
iisa pa rin ang aming hangad
‘Di magaalinlangan kahit kailan
tanging ikaw lang magpakailanman
Chorus:
Kaya’t halina kayo kaibigan
huwag mong iisipin na nagiisa ka
dahil sa Barangay Ginebra
lahat ay sama-sama
may karamay ka
Tila kay bilis ng panahon
parang kelan lang nung unang sumuporta sayo
Kaya’t heto kami ngayon
pinagtibay ng bawat hamon
Chorus:
Kaya’t halina kayo kaibigan
Huwag mong iisipin na nagiisa ka
dahil sa Barangay Ginebra
lahat ay sama-sama
may pamilya ka
Bridge:
Kahit ano pang sabihin ng iba
bansa, bayan, o brigada
republika man o tropa
kahit pa planeta,
iba pa rin ang lahing Ginebra
Chorus:
Kaya tara sa barangay kaibigan
huwag mong iisipin na nagiisa ka
dahil sa Barangay Ginebra
lahat ay sama-sama
may kabarangay ka
Kaya tara sa barangay kaibigan
huwag mong iisipin na nagiisa ka
lahat tayo ay sama-sama
isang puso, isang pamilya
pinagbuklod ng Ginebra
sa Barangay Ginebra,
kabarangay ka.
________________________________
"Lyrics palang yan. Yung music sa second monthsary na natin."
-Maja Salvador, One More Chance
JOKE. Lakas maka One More Chance ng peg. HAHA! Pagpasensyahan niyo na po ito, spur of the moment lang ang mga titik na ito nung sem break. I actually have a tune in mind pero dahil hindi naman ako kumakanta, the music will have to wait. Unless may musically inclined na mga kabarangay tayo dito na gagawa ng sariling version nila ng music, you are most welcome. Malay niyo mas maganda pa yung naisip niyong musika kesa sa kinakanta ko sa utak ko. Sabihan niyo lang ako kung gagawan niyo ng tono ang mga titik na ito and maybe we work something out. Brofist.
Sa Barangay Ginebra,
kabarangay ka.
'Till the 2013 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra!
Maraming salamat sa isa na namang roller coaster na experience kasama ka.
7 comments:
hehe :)) inspired ahh :) proud to be in this family !! lovin' it so much !!!
Good job :)) *twothumbsup*
Im in tears everytime i read a tweet about Ginebra's early exit in this conference. Naalala ko yung feeling ko kagabi sa Araneta. Para na akong baliw dito sa opisina. Malungkot at laging teary-eyed. Im glad na may nakikita akong katulad kong fan at kapareho kong fan dito sa internet. :-)
Im in tears everytime i read a tweet about Ginebra's early exit in this conference. Naalala ko yung feeling ko kagabi sa Araneta. Para na akong baliw dito sa opisina. Malungkot at laging teary-eyed. Im glad na may nakikita akong katulad kong fan at kapareho kong fan dito sa internet. :-)
nice one!!:) yes, til next conference. lets always keep the NEVER-SAY-DIE spirit kaBarangay. habang may PBA, may Ginebra!!
SOOO cool. KAKAIBA talaga pg lahing GINEBRA
ateng super love ko toh, haha kung maka onemorechance nama!!! GINEBRAFOREVER MANALO o MATALO
=D speechless. iba talaga ang Ginebra... win or lose. solid bgsm ♥
Post a Comment