Search This Blog

2.14.2011

Salamat sa musika!

Hinarana na ako ng Harmonya: The String Ensemble of UPLB noong nakaraang Huwebes. Humanga ako sa kanila! Muli kong naalala ang aking musika. Muli akong napahanga ng mga pinagsama-samang nota na umaawit ng bugso ng damdamin ng mga musikero. Napakaganda ng musika. Marami itong nasasabi na higit pa sa kayang ipabatid ng mga salita. Malayo ang nararating nito -malayo pa sa kayang maabot ng aking mga mata. Napapakalma nito ang puso't isipan na puno ng problema at pighati. Napapalaya nito ang kaluluwang nakagapos. Napupunan nito ang pagkukulang ng wika. Napakaganda ng musika, at muli akong napa-ibig ng Harmonya sa musika na tila nalimutan ko na.

Maligayang araw ng pag-ibig para sa lahat ng nagmamahal! ♥


1 comment:

Anonymous said...

Salamat para sa mga kagiliw-giliw na blog