Search This Blog

11.19.2012

#HappyBirthdayMarkCaguioa


♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥

 

Kahit ilang beses pa kita tadtarin ng birthday greetings sa Twitter mo, hindi yun magiging sapat para maipalam ko sayo kung gaano ko ipinagpapasalamat na nasulot ka ng Barangay Ginebra mula sa Mobiline noong 2001 PBA Draft. 

Maligayang kaarawan sayo, ang aking natatanging basketball idol, Mark Caguioa.

♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥

11.09.2012

Because girls talk sports, too.

Girls talk sports, too.

That’s what I say every time someone takes a girlie sports aficionado as “just” a cheerer-type of fan. For someone who takes sports as a passion and as part of her lifestyle, being dubbed as “just” a cheerer-type of fan won’t make the cut. It actually stings quite a bit, if you ask me.

Some of the best girls I know has the word “sports” written all over their faces. No, not literally. But yeah, you get it. Girls who bleed sports actually take pride for being one. And not even a flagrant foul penalty 2, or a technical knockout, or even a red card, will sway them away from their love.

Yeah, we go, girls! We talk sports, too. Take it from someone who knows. Or take it from someone who kinda knows and share it to everyone who wanna know.

So, if you’re a girl and you love sports, you’re gonna dig this blog site. Seriously. I know, because I am, too.

This is for you. For me. For us. For the love of the game. x

Check this out! =)

11.05.2012

Ang Paborito kong Lubid

Meron akong paboritong lubid.

Matagal ko nang iniingatan ito. Kung tatanungin mo ako kung saan ko nakuha ang lubid na ito, isa lang sasabihin ko - na pinulot ko lang ang lubid na ito pagkakitang pagkakita ko, dahil naramdaman ko na para sa akin ito, at ako ay para dito.

Meron akong paboritong lubid.

Marami rin ang may paborito rito. Hindi ko naman sila masisisi, dahil iba naman talaga ang karisma ng lubid na ito. Gaya ko, mahal na mahal rin nila ang lubid na ito. At magbago man ang mga nakahawak dito, iisa lang ang hindi magbabago, na kahit ano pang sabihin ng iba, poprotektahan namin ang lubid na ito.

Meron akong paboritong lubid.

Hawak ng ilang mga taga-gabay, na pilit na ginagawa ang kanilang makakaya upang manatiling mahigpit ang kapit ng lahat. Sinasalo ang bawat hagupit ng pagkakataon na talaga namang sumusubok sa kanilang tibay at paninindigan. 

Meron akong paboritong lubid.

Hawak ng mga makikisig na mandirigma na tulong-tulong upang mahila ito pataas. Nakatalikod ang mga mandirigmang ito mula sa kinalalagyan ko ngayon at tila hirap na hirap sa paghila sa paborito kong lubid na ito. Hindi ko man matanaw ang kanilang mga mukha dahil sa dilim ng daan na tinatahak namin ngayon, naaaninag ko naman ang mga numerong nasa kanilang mga likuran dahil sa kaunting liwanag na nakakapasok sa maliit na puwang ng pag-asa sa aking puso't isipan.

Meron akong paboritong lubid.

Nakikihawak rin ako. Nakikihila rin ako. Kami. Tayo. Ako at ang mga kapwa ko na paborito rin ang lubid na ito. Mahirap ang paghilang pinagdadaanan ng lahat para sa lubid na ito ngayon. Minsan ay nakakapagod na nga hilahin ito. Totoo. Madalas pa nga, masakit hawakan ito. Masakit para sa mga dumadaing na sana ay hindi mapatid ang lubid na ito.  

Hindi naman mamahalin ang paboritong lubid ko. Sakto lang - abot ng masa, abot ng nagpapaka-masa, abot ng umaasa. Ang tigas naman kasi talaga ng ulo ko. Hindi ko nga alam kung bakit nakikihawak at nakikihila pa ako sa lubid na ito hanggang ngayon. Ang alam ko lang, masaya ako tuwing nakikita ko ang paborito ko. Tumatagos sa puso. Dumudurog ng diwa. Bumubuo ng pagkatao.

Hilahin kong pataas ang paborito kong lubid na ito. Isasama ko ang lahat ng nakahawak dito. At kung paborito mo rin ang lubid na ito, alam ko, ito rin ang gagawin mo. Pakiusap, huwag kang bibitaw. Atin 'to. Ito tayo.