Search This Blog

3.23.2013

To my beloved UP ComBroadSoc

"Courage is fear holding on a minute longer."


‘Yun na siguro yung line na makakapag summarize ng naramdaman ko mula noong tinaggap ko yung nomination para sa Chief Anchor. I was actually nominated in five positions and I could have taken the easy way out if I chose to decline the position, pero hindi ko yun magawa sa inyo.


The decision took all of me. I gathered all the courage I have, all the strength I have, all the composure I have… My everything. when I said during the deliberations that I am standing in front of you as your Chief Anchor.


I felt that it was a decision that I had to make, so I channeled all my courage and all the love that I have for the organization that provided me an avenue to grow and become who I really wanted to be. The organization that tested me, the organization that molded me to become a better version of myself. It took me four years of my college life to find you, and I can tell you that it’s definitely worth the wait.


Kahit sa alternate universe, hindi ko inakala na bibigyan niyo ako ng pagkakataon na maging Chief Anchor ninyo. Sabi ko nga sa inyo dati, hindi niyo ako kailangan bigyan ng kahit anong posisyon para lang mapakinabangan niyo ako. The moment you took me in and allowed me to be a part of your family two years ago, you already had me. I never once waived and I never second guessed in choosing where to go nung feeling NF ako sa DevCom. Hindi ko pa rin alam ang dahilan hanggang ngayon but two years ago, I knew that I had to be with UP ComBroadSoc, at hinding hindi ko pinagsisisihan yon.


Honestly, I don’t know if I have what it takes to be your Chief Anchor. Habang ginagawa ko yung GPOA ko, ang nasa isip ko, ayokong mapahiya sa inyo. I fear rejection so much that at one point, it already consumed me. I fear that I cannot meet your expectations. I fear that I cannot be the Chief Anchor that you want. I fear that I cannot be the Chief Anchor that you need. But even in all those fears, I know that I love you. I love the organization so much that’s why I can never be selfish with all of you. And in the end, my love for my brothers and sisters made me take on another life changing road, at lubos ang pasasalamat ko dahil kasama ko kayo sa daan na yon.


I already gave you my vision for UP ComBroadSoc. Aside from us having bigger and grander activities, aside from organizing activities closer to the community, ang gusto ko lang sana, yung lalabas tayo sa kanya kanya nating mga klase, tapos may mga top sa exam, may mga halos nakakapit na sa buntot ng grade na tres, may mga aligaga na dahil sa hinahabol na deadlines, may mga nagtatago sa thesis adviser, pero kahit pa gaano kalaki yung problemang tinatakasan mo, mapapangiti ka na lang kasi natatanaw mo na yung nagsusumigaw na dilaw na tambayan na sobrang ingay kasi nandun lahat at nagkukuwentuhan. Yung kahit nagsisiksikan na tayo at halos wala nang maupuan, okay lang kasi alam mo na kasama mo lahat at walang iwanan. Yung kahit pa anong mangyari, alam mo na may brods at sisses ka na laging nandyan para makinig sayo.


Pero sabi ko nga, yung pamilya natin ay hindi talaga perpekto. At hinding hindi ko kayo pinipilit na baguhin kung sino man kayo. Kasi ang tunay na pamilya, tanggap ka kung sino ka, hindi yung kung ano lang ang gusto nila sayo. And I am not even imposing on you a UP ComBroadSoc that I want. Instead, I am hoping to give you a UP ComBroadSoc that we need. After all the trials, after all the pain, after all the misunderstandings, I think it’s about time to focus not just on our activities and not just on how others see us. 
More than that, more than ever, let’s rebuild from within.


Your Executive Committee can only do so much. As your leaders, we will do our best to give you an ExeCom that listens, that follows, that understands. An ExeCom that connects the body, that thinks ahead, that mediates, an ExeCom that is one with all of you. In return, I am pleading for a body with commitment, with initiative, a united body that is very much willing to compromise out of love.


I trust all of you so much that I am so convinced that we can make this work. You can always count on me for everything, for anything, at alam kong maasahan ko rin kayo.


This is not just about you anymore. And this is not just about me. We are all part of a bigger picture, a family pushing for excellence, genuine camaraderie, and service. Let us all get involved, let us stay involved, and all together, let us make a difference.


Let’s all look forward to a very exciting, fun, and as always, a memorable academic year, and in all these things, God shall be exalt and glorified.


Ma. Kathleen Cruz Cabal

Chief Anchor AY ’13-‘14

UP Community Broadcasters’ Society

*Induction speech delivered last March 22 at Cafe Angelica during the UP CBS Grand Broadcasters' Night

1.27.2013

Gandingan 2013 Full List of Winners

Here is the full list of winners in the Gandingan 2013: The 7th UPLB Isko't Iska's Broadcast Choice Awards last January 26 at the DL Umali Auditorium, University of the Philippines Los Banos.

THE CORE AWARDS

MOST DEVELOPMENT-ORIENTED RADIO BROADCAST MATERIAL
Biyaya ng Langit, Adventist University of the Philippines

BEST AM ANNOUNCER
Daniel Castro, DZJV

MOST DEVELOPMENT-ORIENTED COMMUNITY RADIO PLUG
Salamat Po, Radyo Lucena

MOST DEVELOPMENT-ORIENTED COMMUNITY AM STATION
Ka Barangay DZJV 1458 Khz

MOST DEVELOPMENT-ORIENTED COMMUNITY AM PROGRAM
Pulso Publiko 4P's, DWLC

THE GENERAL AWARDS

BEST MORNING SHOW
Umagang Kay Ganda, ABS-CBN 2

BEST MORNING SHOW HOSTS
Umagang Kay Ganda Hosts, ABS-CBN 2

BEST FM STATION
Barangay LS 97.1

BEST DISC JOCK
DJ ChaCha, Tambayan 101.9

BEST AM STATION
DZMM Silver Radyo

BEST AM ANNOUNCER
Ted Failon for Failon Ngayon sa DZMM

BEST INVESTIGATIVE PROGRAM
Reporter's Notebook, GMA7
BEST INVESTIGATIVE PROGRAM HOST
Ted Failon for Failon Ngayon, ABS-CBN 2

BEST DOCUMENTARY PROGRAM
I Witness, GMA7

BEST DOCUMENTARIST
Kara David for I Witness GMA7
BEST MAGAZINE PROGRAM
Rated K, ABS-CBN 2

BEST MAGAZINE PROGRAM HOSTS
Korina Sanchez for Rated K, ABS-CBN 2

BEST NEWS PROGRAM
State of the Nation with Jessica Soho, GMA News TV

BEST NEWS ANCHOR
Jessica Sojo, GMA News TV

BEST FIELD REPORTER
Jiggy Manicad, 24 Oras GMA7

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM
Wish Ko Lang, GMA7

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM HOST
Vicky Morales for Wish Ko Lang, GMA7

BEST WOMEN-ORIENTED PROGRAM
Us Girls, Studio 23

GANDINGAN NG KABABAIHAN
Us Girls Hosts, Studio 23

BEST YOUTH ORIENTED PROGRAM
I Juander, GMA News TV

GANDINGAN NG KABATAAN
I Juander Hosts, GMA News TV

BEST DEVELOPMENT-ORIENTED TALK SHOW
The Bottomline with Boy Abunda, ABS-CBN 2

BEST DEVELOPMENT-ORIENTED TALK SHOW HOST
Boy Abunda for The Bottomline with Boy Abunda, ABS-CBN 2

THE SPECIAL AWARDS

BEST AM PROGRAM
Radyo Negosyo, DZMM

BEST FM PROGRAM
Anong Meron?, Tambayan 101.9

BEST EDUCATIONAL PROGRAM
Matanglawin, ABS-CBN 2

GANDINGAN NG EDUKASYON
Kuya Kim Atienza for Matanglawin, ABS-CBN 2

BEST ENVIRONMENT-ORIENTED PROGRAM
Born to be Wild, GMA7

GANDINGAN NG KALIKASAN
Kuya Kim Atienza for Matanglawin, ABS-CBN 2

BEST LIVELIHOOD-ORIENTED PROGRAM
Bread n' Butter, UNTV

GANDINGAN NG KABUHAYAN
Carl Balita for Radyo Negosyo, DZMM

BEST DEVELOPMENT-ORIENTED RADIO PLUG
Blood Letting, Radyo La Verdad, UNTV

BEST DEVELOPMENT-ORIENTED TELEVISION PLUG
Pagbangon, ABS-CBN 2

GANDINGAN NG PINILAKANG TABING
ABS-CBN

HIGHLY-COMMENDED TELEVISION STATION
GMA News TV

BEST DEVELOPMENT-ORIENTED- TELEVISION STATION
ABS-CBN

Gandingan is an award-giving body organized by the UP Community Broadcasters' Society.

12.17.2012

Lyrics: Sa Barangay Ginebra

Sinulat ko ang mga titik na ito bandang Nobyembre ngayong taon. Hindi ko pa sana ito ilalagay dito kasi parang wala pa naman sa hulog. Pero naisip ko, siguro sa ganitong pagkakataon na natanggal (na naman) ang Barangay Ginebra kagabi, kailangan ko ng isang bagay na makakapag-papaalala sa akin kung bakit hindi ko maiwan-iwanan ang koponan na ito kahit ilang beses na akong nasasaktan at umiiyak. Bigla ko naalala ang mga titik na ito. 'Di mag-aalinlangan kahit kailan, tanging ikaw lang magpakailanman.

Tama. Magpakailanman.

This lyrics, I wrote for my fellow Barangay Ginebra fans. 
To remind us that what we have is more than just the 
love of the game and more than just the passion; 
it's about keeping the faith, and knowing that you 
are never alone. And even if all else fails, you are 
and you will always be a part of a family.

Sa Barangay Ginebra 
Lyrics by: Kaye Cabal

Kami ay sama-samang hinubog
ng ‘yong tapang at tibay ng loob
‘Di magsasawang manalig sayo
dahil kami ay pinagbuklod mo

Ilang taon man ang lumipas
iisa pa rin ang aming hangad
‘Di magaalinlangan kahit kailan
tanging ikaw lang magpakailanman

Chorus:

Kaya’t halina kayo kaibigan
huwag mong iisipin na nagiisa ka
dahil sa Barangay Ginebra
lahat ay sama-sama
may karamay ka

Tila kay bilis ng panahon
parang kelan lang nung unang sumuporta sayo
Kaya’t heto kami ngayon
pinagtibay ng bawat hamon

Chorus:

Kaya’t halina kayo kaibigan
Huwag mong iisipin na nagiisa ka
dahil sa Barangay Ginebra
lahat ay sama-sama
may pamilya ka

Bridge:

Kahit ano pang sabihin ng iba
bansa, bayan, o brigada
republika man o tropa
kahit pa planeta,
iba pa rin ang lahing Ginebra

Chorus:

Kaya tara sa barangay kaibigan
huwag mong iisipin na nagiisa ka
dahil sa Barangay Ginebra
lahat ay sama-sama
may kabarangay ka

Kaya tara sa barangay kaibigan
huwag mong iisipin na nagiisa ka
lahat tayo ay sama-sama
isang puso, isang pamilya
pinagbuklod ng Ginebra

sa Barangay Ginebra,
kabarangay ka.

________________________________

"Lyrics palang yan. Yung music sa second monthsary na natin." 
-Maja Salvador, One More Chance
 
JOKE. Lakas maka One More Chance ng peg. HAHA! Pagpasensyahan niyo na po ito, spur of the moment lang ang mga titik na ito nung sem break. I actually have a tune in mind pero dahil hindi naman ako kumakanta, the music will have to wait. Unless may musically inclined na mga kabarangay tayo dito na gagawa ng sariling version nila ng music, you are most welcome. Malay niyo mas maganda pa yung naisip niyong musika kesa sa kinakanta ko sa utak ko. Sabihan niyo lang ako kung gagawan niyo ng tono ang mga titik na ito and maybe we work something out. Brofist.

Sa Barangay Ginebra,
kabarangay ka.

'Till the 2013 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra!
Maraming salamat sa isa na namang roller coaster na experience kasama ka. 



11.19.2012

#HappyBirthdayMarkCaguioa


♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥

 

Kahit ilang beses pa kita tadtarin ng birthday greetings sa Twitter mo, hindi yun magiging sapat para maipalam ko sayo kung gaano ko ipinagpapasalamat na nasulot ka ng Barangay Ginebra mula sa Mobiline noong 2001 PBA Draft. 

Maligayang kaarawan sayo, ang aking natatanging basketball idol, Mark Caguioa.

♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥     ♥ ♥ ♥

11.09.2012

Because girls talk sports, too.

Girls talk sports, too.

That’s what I say every time someone takes a girlie sports aficionado as “just” a cheerer-type of fan. For someone who takes sports as a passion and as part of her lifestyle, being dubbed as “just” a cheerer-type of fan won’t make the cut. It actually stings quite a bit, if you ask me.

Some of the best girls I know has the word “sports” written all over their faces. No, not literally. But yeah, you get it. Girls who bleed sports actually take pride for being one. And not even a flagrant foul penalty 2, or a technical knockout, or even a red card, will sway them away from their love.

Yeah, we go, girls! We talk sports, too. Take it from someone who knows. Or take it from someone who kinda knows and share it to everyone who wanna know.

So, if you’re a girl and you love sports, you’re gonna dig this blog site. Seriously. I know, because I am, too.

This is for you. For me. For us. For the love of the game. x

Check this out! =)

11.05.2012

Ang Paborito kong Lubid

Meron akong paboritong lubid.

Matagal ko nang iniingatan ito. Kung tatanungin mo ako kung saan ko nakuha ang lubid na ito, isa lang sasabihin ko - na pinulot ko lang ang lubid na ito pagkakitang pagkakita ko, dahil naramdaman ko na para sa akin ito, at ako ay para dito.

Meron akong paboritong lubid.

Marami rin ang may paborito rito. Hindi ko naman sila masisisi, dahil iba naman talaga ang karisma ng lubid na ito. Gaya ko, mahal na mahal rin nila ang lubid na ito. At magbago man ang mga nakahawak dito, iisa lang ang hindi magbabago, na kahit ano pang sabihin ng iba, poprotektahan namin ang lubid na ito.

Meron akong paboritong lubid.

Hawak ng ilang mga taga-gabay, na pilit na ginagawa ang kanilang makakaya upang manatiling mahigpit ang kapit ng lahat. Sinasalo ang bawat hagupit ng pagkakataon na talaga namang sumusubok sa kanilang tibay at paninindigan. 

Meron akong paboritong lubid.

Hawak ng mga makikisig na mandirigma na tulong-tulong upang mahila ito pataas. Nakatalikod ang mga mandirigmang ito mula sa kinalalagyan ko ngayon at tila hirap na hirap sa paghila sa paborito kong lubid na ito. Hindi ko man matanaw ang kanilang mga mukha dahil sa dilim ng daan na tinatahak namin ngayon, naaaninag ko naman ang mga numerong nasa kanilang mga likuran dahil sa kaunting liwanag na nakakapasok sa maliit na puwang ng pag-asa sa aking puso't isipan.

Meron akong paboritong lubid.

Nakikihawak rin ako. Nakikihila rin ako. Kami. Tayo. Ako at ang mga kapwa ko na paborito rin ang lubid na ito. Mahirap ang paghilang pinagdadaanan ng lahat para sa lubid na ito ngayon. Minsan ay nakakapagod na nga hilahin ito. Totoo. Madalas pa nga, masakit hawakan ito. Masakit para sa mga dumadaing na sana ay hindi mapatid ang lubid na ito.  

Hindi naman mamahalin ang paboritong lubid ko. Sakto lang - abot ng masa, abot ng nagpapaka-masa, abot ng umaasa. Ang tigas naman kasi talaga ng ulo ko. Hindi ko nga alam kung bakit nakikihawak at nakikihila pa ako sa lubid na ito hanggang ngayon. Ang alam ko lang, masaya ako tuwing nakikita ko ang paborito ko. Tumatagos sa puso. Dumudurog ng diwa. Bumubuo ng pagkatao.

Hilahin kong pataas ang paborito kong lubid na ito. Isasama ko ang lahat ng nakahawak dito. At kung paborito mo rin ang lubid na ito, alam ko, ito rin ang gagawin mo. Pakiusap, huwag kang bibitaw. Atin 'to. Ito tayo.