Hindi maaalis sa bawat basketball fan ang maging apektado sa bawat
pagkatalo ng koponan na kanilang sinusuportahan. Sabi nga nila, kung
sports fan ka, iba ka – dahil puso ang puhunan sa iba’t ibang emosyon na
iyong pinakakawalan sa bawat laban.
Talo na naman ang
Barangay Ginebra kagabi. Aba’y ikatlong sunod na talo na nila yun
ngayong komperensiya, a? Sa taas ng hangarin naming mga tagahanga para
sa pinakamamahal naming koponan, hindi namin mapigilang isipin na quota
na sila sa pagkatalo. Grabe na yata ang tatlong sunod-sunod na talo.
Ngunit
ganito man ang iniisip ng ilan sa amin, pare-pareho lang naman kaming
nananalangin na sana manalo na ang Ginebra dahil gusto na namin ulit
magtatatalon sa saya.
At dahil natalo na naman ang
Barangay Ginebra, nagsilabasan na naman ang iba’t ibang uri ng mga
tagasuporta. Maraming salamat sa mga kapwa ko panatiko at tinulungan
nila akong buuin ang listahan ng iba’t ibang uri ng mga tagasuporta
tuwing natatalo ang barangay Ginebra.
I. BOY/GIRL SISI
Sila yung mga tagasuporta na laging inaakala na ang bawat pagkatalo ay kasalanan ng alin man sa mga sumusunod:
1) mga players; 2) coaching staff; 3) referees; 4) commentators; o 5) all of the above.
Minsan
pa, kapag talagang lugmok na lugmok na, sinisisi na rin nila ang
kanilang mga sarili na para bang may ginawa silang mali at sila ang may
kasalanan ng lahat. Kasama din dito yung mga tagasuporta na
pinagbabalingan ng sisi ang mga kaawa-awang radyo at telebisyon na para
bang naglaro din ang mga ito. Para sa kanila, lahat ng nakikita nila ay
isang malaking jinx na sumira ng laro ng Barangay Ginebra.
HASHTAGS:
#FireX #TradeY #MalasKayongLahat #AkoAngMayKasalanan
II. THE ANALYST
Sila
naman yung mga tagasuporta na all-knowing. Para sa kanila, lahat ng
ginagawa ng coach ay mali at sila lang ang tama sa mundo. Malamang sa
alamang, may mga balak silang maging isa sa Coaching Staff ng Barangay
Ginebra hanggang sa sila na ang susunod na tatanggap ng PBA Coach of the
Year award.
Sila rin yung mga feeling Team Managers na
kung makapuna sa mga plays at turnovers ng Barangay Ginebra ay akala mo
ay sila lang ang magaling. Siguro mataas ang basketball IQ nila kaya
ganon.
HASHTAGS:
#YunLangNalusutanPaKayo?
#DapatPinasaMo!
#AnongKlasengPlayYon?
#PlayBaYon?
III. THE WARFREAK
Nakakatakot
ang mga tagasuportang ito. Sila yung mga tagasuportang hindi alam sa
salitang “kalma.” Tuwing natatalo ang Barangay Ginebra, iwasang
makahalubilo ang ganitong klase ng mga tagasuporta dahil mapagbabalingan
nila ng galit ang una nilang makakabangga.
Huwag na
huwag ding aasarin at kakantiin ang ganitong mga tagasuporta tuwing talo
ang Barangay Ginebra dahil tiyak, madadamay ka sa init ng ulo nila.
Kahit ang pinakatahimik ay nagiging Incredible Hulk kapag idiniin mo pa
sa mukha nila na talo ang Ginebra.
Bigyan sila ng ilang oras upang mawala ang init ng ulo nila, dahil kung hindi, delikado ka. Pramis talaga.
HASHTAG:
#!@#$%^&*()!!!
IV. MGA INSTANT
Sila yung mga tagasuporta na bigla-bigla nalang nagbabago tuwing natatalo ang Barangay Ginebra.
Marami sa kanila ay mga
Instant Tanggero/a – o yung mga direcho agad sa inuman pagkatapos ng laban. Madalas silang umagahin sa mga ganitong pagkakataon.
Mayroon rin namang mga
Instant na Mapamahiin
– o yung mga agad-agad na magpapahula sa Quiapo kinabukasan, o sasadya
sa isang Feng Shui expert at bigla biglang maglilipat ng mga gamit sa
bahay.
Marami rin sa kanila ang mga biglang magi-
Instant Diet. Sila yung mga magha-hunger strike buong gabi at minsan ay hangang sa umaga kinabukasan dahil sa pagkatalo ng Barangay Ginebra.
Kung maraming mga nagi-instant diet, marami ring nagiging
Instant Morning Person – o yung mga diretcho sa kama at idadaan nalang sa tulog ang sama ng loob.
May ilan ring nagiging
Instant Fan ng Kalaban ng huling team na tumalo sa Ginebra. Ang sigaw nila, “Resbak na ‘to!”
Mayroon ring mga nagiging
Instant Relihiyoso – o yung mga direcho sa simbahan kinabukasan para magdasal, mag-novena, o mangumpisal.
Nariyan rin ang ilang mga nagiging
Instant Gamer – o yung mga direcho laro ng mga computer games, at dudurugin ang mga kalaban na para bang sila yung nakalaban ng Ginebra.
HASHTAGS:
#TaraInom #HindiMakakainDahilTaloNaNaman #Zzzzzzzz #MatataloDinKayo #TaraDOTA #LordPleaseNamanPo
V. GAMEPLAN: ATTACK THE NEW MEDIA
Sila
yung mga tagasuporta na direcho sa Twitter at Facebook pagkatapos
matalo ng Barangay Ginebra. Mauubos ang buong gabi nila sa paghahasik ng
kanilang galit sa kani-kanilang mga accounts.
Malupet
magwala sa Twitter at Facebook ang mga tagasuportang ito. Kung wala sila
sa mga sariling account nila, e nakabukas naman sa sampung tabs ang
iba’t ibang mga fan pages at groups at doon sila naghahasik ng lagim.
Kung
ganito na katindi ang sitwasyon sa Facebook, mas nagkakagulo na sa
Twitter. Hindi lang basta umaatake ng tweets ang ilan sa mga
tagasuportang ito dahil naka mention pa sa mga players, coaches, at
iba’t-ibang sports personalities ang galit nila. Patay na.
HASHTAG: Wala. Direcho lang. “
@player Bakit hindi mo pinasa agad? Lagot ka.”
VI. THE EMO
Sila
yung mga sobrang emosyonal sa tagasuporta na daig pa ang brokenhearted
tuwing natatalo ang Ginebra. Hindi makakain, hindi makatulog, hindi
makausap. Nakakabagabag sila.
Sila yung papasok sa
klase o sa trabaho na sira ang mood o badtrip sa susunod na limang araw o
hanggang sa susunod na laban ng Ginebra. Feeling nila magugunaw na ang
mundo. Tulala. Hindi makapagsalita.
Mayroon sa kanilang hindi makakain (gaya ng mga
Instant na nagda-Diet) at mayroon rin namang idinadaan sa kain ang sama ng loob. Minsan, idinadaan din sa pagba-blog, at pagsusulat ng
“Dear diary, syet na malagket. Talo na naman ang Ginebra. Ang sakit sakit…”
May mga umiiyak rin sa kanila tuwing natatalo ang Barangay Ginebra. As in iyak talaga.
HASHTAGS:
#Ouch #AngSakit #Laslas
VII. IN DENIAL
Sila
yung mga tagasuporta na hindi matanggap ang pagkatalo ng Barangay
Ginebra. Kahit pang-ilang talo na yun ng Ginebra, hindi pa rin nila
kaya.
Coping mechanism ng ilan sa kanila ang
pagkakaroon ng selective memory. Ang sistema, pagkagising nila sa umaga,
parang normal na araw lang at hindi na nila maalala na natalo ang
Barangay Ginebra noong nakaraang gabi. Minsan umaabot ng isang linggo ang
sakit na ito. O isang conference. O isang season. Depende.
Kasama
din dito ang mga tagasuporta na NR – no response, at poker face. Sa
sobrang sakit ng pagkatalo, hindi na nila alam kung paano magre-react at
kung ano ang sasabihin. Kawawa naman.
HASHTAG: Wala. Parang walang nangyaring laro ng Ginebra.
VIII. DAKILANG PALUSOT
Kuwela
ang mga tagasuportang ito. Sila yung mga tipo na tuwing natatalo ang
Ginebra, dadaanin nalang nila sa kung anu-anong pagdadahilan. Ito ang
Top 3 na palusot nila ayon sa nakaraang nationwide Ginebra fanbase
survey (Echos. Walang survey na naganap):
1) Talo ang Ginebra? Walaaaa! Paramihan nalang ng hairstyle ng isang player!
2) Talo na naman ang Ginebra?? Okaaaaay lang! Paguwapuhan nalang ng line-up!
3) Ha??? Talo na naman ang Ginebra??? Paramihan nalang ng fans!!! Wooohooo!
HASHTAGS:
#Chos #MayMailusotLang
IX. BANDWAGON
Badtrip
ang mga tagasuportang ito. Ang sarap sungalngalin. Seryoso. Sila yung
mga tagasuportang nandyan lang tuwing panalo ang Ginebra tapos sabay
kabig ng panlalait kapag natalo. Mga mukha niyo.
HASHTAG:
#Balimbing
X. PAPAMPAM
Mga
tagasuporta ng ibang koponan na malalakas ang loob na mang-away ng mga
taga Barangay Ginebra. Hindi naman sila nananakit, nakiki-epal lang
talaga. Badtrip.
Sila ang suki ng mga Warfreak. Sila
rin yung kinukuyog ng mga nasa Twitter at Facebook. Kawawa naman. Pero
ang lalakas kasi talaga mang-asar kaya sorry nalang.
HASHTAGS:
#WeakNgGinebraNiyoBoo #ButiNgaTaloGinebra
XI. MANHID
Sila yung mga tagasuporta na sa tinagal-tagal sa likod ng Ginebra, nasanay na sa bawat pagkatalo nila.
Kasama rin dito yung mga sobrang apektado at sobrang nasaktan sa pagkatalo ng Barangay Ginebra kaya bumigay na sila.
Meron rin sa kanilang deadma nalang tuwing natatalo ang Ginebra lalo na kapag galing sa malaking lamang tapos natalo pa.
HASHTAGS:
#SakitNaNilaYan #LagiNamangGanyanEh #KDot
XII. THE OPTIMIST
Sila yung mga sobrang isinasabuhay ang pagiging isang mabait at kalmadong tagasuporta ng Barangay Ginebra tuwing natatalo sila.
Sila
rin yung mga panabla ng lahat ng iba pang uri ng tagasuporta.
Sila rin yung mga tagasuportang pilit na binubuhay ang puso at tiwala
ng buong barangay dahil para sa kanila, kayang kaya naman manalo ng
Ginebra.
Wala kang maririnig o mababasang kahit anong
negatibo mula sa kanila. Ang tanging hangad lang nila, bumawi ang
Barangay Ginebra sa susunod na laro ng bonggang bongga.
Hindi
rin sila nawawalan ng pag-asa. Naniniwala sila na walang dapat sisihin
at walang may gusto na matalo ang mahal nilang Barangay Ginebra.
HASHTAGS:
#BounceBack #GinebraPaRin #NeverSayDie #Laban #PusoLang
*** *** ***
Tuwing
natatalo ang Barangay Ginebra, nagsisilabasan ang iba’t ibang uri ng
mga tagasuporta. Ngunit ating tandaan na kahit pa nahahati tayo sa iba’t
ibang kategorya depende sa ating ugali at paniniwala, lahat pa rin tayo
ay naghahangad ng kampeonato para sa ating pinakamamahal na koponan.
May mga iba’t ibang uri ng tagasuporta ang Barangay Ginebra. Ikaw, sino ka sa kanila? Comment na! :)
(Ang
listahan na ito ay pinagtulungang buuin ng mga tagasuporta ng Barangay
Ginebra sa Twitter. Muli, maraming salamat! Kayo na talaga!)
*** *** ***
PS.
Para po sa mga agit na agit (
for lack of better term), gusto ko lang din pong ipaliwanag na puwede din naman po ito para sa mga taga-suporta ng ibang koponan, gaya ng sinasabi ng ilan.
Kaya
lang po, ang mga nandito po kasi ay nanggaling mismo sa mga Ginebra fans
sa Twitter so hindi ko po ma-generalize
yung results ng quick survey na naganap.
In context kasi yung pag kuha ko ng data kaya sinara ko yung blog entry
sa Ginebra.
This is open for expansion naman. Kung magagawan natin ng quick
survey lahat ng fan bases ng PBA, at same results yung lumabas, then
from there we could generalize. Why not? =)
Ayun lang po. #BroFist