Original:
January 9, 2008
Tahanan ni Sta. Monica
Tagaytay
5:25pm
Breathing excercise. Nice. Inhale, exhale. Simple diba? Pero swak. Ewan. Basta ang alam ko, sakto. Saktong sakto. Just when I needed it the most.
Ito yata yung nakalimutan kong gawin this past few days eh. No, not literally of course. Siguro nakalimutan ko yung simpleng paghinga nang walang iniisip na kahit anong problema. Nakalimutan ko yung simpleng katahimikan na kailangang-kailangan ko. Nakalimutan ko lahat. Siguro dahil nasaktan ako ng sobra kaya napilitan akong kalimutan ang lahat.
Retreat namin ngayon. Emotional breakdown na naman. Ganun pa rin ang dahilan. Siya pa rin ang dahilan. Lagi naman eh.
Breathing excercise. Tahimik. Hangin lang ang naririnig ko. Pero maliban sa hangin, narealize ko na ang dami ko pa palang ibang puwedeng marinig. Lahat-lahat. Kahit ayaw kong pakinggan.
Strong realizations. Sabi ko na eh. Right timing ang retreat. Malayo sa kanya. Malay mo nga naman diba? Pag-uwi ko bukas, baka ok na ako. Baka sakaling makuha ko na yung gabi-gabi kong ipinagdarasal.
Peace of mind.
Then suddenly, God touched my heart. Parang sinasabi niya sa akin na nandito siya para sa akin. Kahit iwanan ako ng lahat. Nandito lang siya. And I know that He'll forever be with me. Naghihintay lang siya sa kailanganin ko ulit ang tulong niya. I know He will not let me down. Never.
Nasaktan ako.
Yun ang katibayan.
Buhay ako.
No comments:
Post a Comment